Maynila
ang kapital ng bansang Pilipinas. Sa bansang ito tayo’y naninirahan. Kapag
narinig natin ang salitang “kapital”, ang unang pumapasok sa ating isipan ay
pinakamaganda, pinakamalinis at pinakamaunlad na syudad. Oo, marahil ito ay
pinakamaunlad. Ngunit masasabi mo bang pinakamalinis o pinakamaganda ang
Maynila ngayon?
Ang Maynila noon ay malinis, presko
sa pakiramdam, magandang pasyalan dahil sa mga likas na katangian nito at higit
sa lahat ay mapapamahal ka rito. Ngunit ang panahon ay sadyang mabilis sa
paglipas kaya ang mga katangiang iyon ng Maynila ay parang napag-iwanan na ng
panahon. Huwag natin sisihin ang panahon. Dapat nating sisihin ay ang mga
sarili natin mismo. Ang panahon ay hindi humihinto sa pagkaripas ng kanyang
takbo samantalang tayong mga nilalang ang natutulog at walang ginagawa upang
mapaganda pa lalo ang Maynila kaya ngayon tayo’y naaapektuhan sa mga nangyayari
sa ating paligid. Kung tititgnan natin ang Maynila ngayon, ito’y marumi, maalikabok
at mapolusyon sa hangin at sa ingay. Sadyang nagpapakita lamang ang mga katangiang
yaon ng ating mga kapabayaan sa ating kalikasan. Kung babaybayin mo ang kahabaan
ng Roxas Boulevard, hindi ka pa man din nakakarating sa pupuntahan mo ay marumi na ang
mukha mo, mabaho ka pa at hindi ka pa presko sa paningin ng iba. Dati-rati’y
pinupuntahan ng mga banyaga ang Maynila, samantalang mga probinsya na ang
kanilang pakay. At isa pang pinakaproblema ng Maynila ay ang mga tao. Tayo ang
problema ng sarili nating bayan. Dahil sa ating kapabayaan, hindi kanais-nais
ang ang halimuyak ng ating bayan, wala itong sigla at lalo nang naghihirap ito
sa sakit na hindi nagagamot ng mga taong nakatira dito.
Hindi pa huli ang lahat. Tayong mga
tao na naninirahan sa Maynila at sa buong Pilipinas, mayroon pang pag-asa.
Habang maaga pa, umaksyon na. Ang pinakasimpleng gamot sa sakit ng ating bayan
ay pagkakaisa, paggalang, pag-alaga at higit sa lahat ay pagmamahalan.
Nakararanas man tayo ng kasakiman ng kalikasan ngayon, kung mayroon naman
tayong mga positibong katangian tiyak na malulutas at malulutas natin ang paghihirap
na nararanas nating ngayon. Kaya umaksyon na agad dahil naniniwala ako sa
kasabihang; “nasa huli ang pagsisisi”.
No comments:
Post a Comment